Red rainfall warning, nakataas sa Rizal

By Rhommel Balasbas August 11, 2018 - 11:26 PM

Patuloy ang mga pag-ulang nararanasan sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan bunsod ng epekto ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Karding na nasa labas na ng bansa.

Sa 11pm heavy rainfall warning ng PAGASA, nakataas ang red warning level sa lalawigan ng Rizal.

Sa ilalim ng lebel na ito ay mararanasan ang torrential rains sa susunod na tatlong oras at lubhang mapanganib ang pagbaha at kailangan ang kaukulang aksyon tulad ng paglikas.

Nakataas naman ang orange warning level sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Bataan, Zambales, Pampanga at Bulacan kung saan mapanganib din ang pabaha.

Sa Laguna at Northern Quezon naman ay nakataas ang yellow warning level na posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Makararanas naman ng mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay may malalakas na pag-uulan sa Nueva Ecija, Tarlac at nalalabing bahagi ng Quezon na posible ring tumagal ng tatlong oras.

Samantala, sa panayam ng Radyo INQUIRER kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, posibleng tumagal pa hanggang August 15, Miyerkules, ang mga pag-uulang nararanasan sa bansa.

Ang publiko ay pinapayuhang manatiling nakatutok sa PAGASA at sa Disaster Risk Reduction and Management Offices para sa lagay ng panahon.

Ilalabas ang next advisory ng PAGASA alas-2 bukas ng madaling araw.

TAGS: #HabagatPH, #HeavyRainfallWarning, #HabagatPH, #HeavyRainfallWarning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.