Lebel ng tubig sa Marikina River bahagyang bumaba sa 20.4 meters

Bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Ayon sa Marikina Public Information Office, as of 10:30 ng gabi ay bumaba na sa 20.4 meters ang taas ng tubig sa ilog mula sa 20.6 meters na naitala kaninang alas-10:00.

Nananatili itong nasa third alarm kung saan ipinatutupad ang force evacuation sa mga mabababang lugar.

Ayon kay Juan Paulo Fernandez, residente ng Brgy. Jesus Dela Peña, patuloy ang pabugso-bugsong pag-uulan sa lungsod.

Dahil dito ay nangangamba sila sa lebel ng tubig sa ilog.

Umabot na rin sa hanggang binti ang tubig-baha sa kanilang baranggay ayon kay Fernandez.

Samantala, sa isang post naman ng Marikina PIO ay nagbigay ito ng tips para sa mga humihingi ng rescue.

Patuloy ang pagdagsa ng mga humihingi ng tulong mula sa gobyerno.

Kabilang sa mga tips ay ang paglalagay ng matitingkad na bagay tulad ng tela o Signage sa mga bintana, paggamit ng pito, pagtitipid ng baterya ng cellphone at pag-imbak ng pagkain.

Tiniyak naman ng Marikina PIO na ginagawa ng buong unit ng Marikina Rescue at ng lahat ng volunteers ang makakaya ng mga ito.

Read more...