Lapeña umamin na nalusutan sila ng malaking drug shipment
Aminado si Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña na nagkaroon ng problema sa komunikasyon sa pagitan ng kanyang tanggapan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito ang sinasabing dahilan kung bakit nakalusot sa bansa ang P6.8 Million na shipment ng shabu sa Manila International Container Port (MICP).
Sinabi ni Lapeña na kung kaagad lang na naalerto ang kanyang tanggapan sa pagdating mga maglifters na natagpuan sa Cavite ay mabilis sanang nakatugon ang BOC para harangin ang nasabing kargamento.
Sa loob ng nasabing mga magnetic filters pininiwalaang idinilagay ang kilo-kilong shabu na nagmula sa Malaysia.
Ang nasabing mga magnetic filters ay natagpuang abandonado sa isang bodega sa General Mariano Alvarez sa Cavite kamakalawa.
Kamakailan ay nakasabat na rin ang BOC ng P4.3 Billion na halaga ng shabu na ipinuslit papasok sa bansa sa pamamagitan ng mga magnetic lifters.
Sa kabila ng nasabing pangyayari ay tiniyak naman ng opisyal na tuloy pa rin ang kanilang maayos na relasyon sa mga opisyal at tauhan ng PDEA na minsan ring pinamunuan ni Lapeña.
Samantala, sinabi naman ng Malacañang na gusto ng pangulo na imbestigahan ang nasabing pangyayari para alamin kung may mga opisyal ba na nagsabwatan para makalusot ang nasabing shipment ng shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.