Mga residente sa tabi ng Marikina river pinalilikas na
Itinaas na sa ikatlong alarma ang Marikina river, Sabado ng hapon.
Ayon sa Marikina Public Information Office, umabot na sa 17 meters ang taas ng tubig sa ilog dakong 3:22 ng hapon.
Sa ilalim ng ikatlong alarma, otomatiko nitong pinalilikas ang mga residente malapit sa ilog at pinapayuhan na maging alerto anumang oras.
Base sa monitoring ng Marikina Rescue 161, hindi madaanan ng anumang sasakyan ang Lilac Corner Olive Street habang may walong pulgada namang tubig sa Marikina bridge loop.
May mga inihandang evacuation centers ang Marikina City para sa mga apektado ng malakas na ulan at baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.