Bagyong Karding nakalabas na ng Pilipinas

By Angellic Jordan August 11, 2018 - 03:20 PM

PAGASA

Nakalabas na ang Bagyong Karding sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa PAGASA.

Sa inilabas na 11:00 AM weather bulletin, huling natamaan ang bagyo sa layong 905 kilometers northeast ng Basco, Batanes na may lakas ng hangin na 75 kilometers per hour at pagbusgso na 90 kilometers per hour.

May bilis itong 25 kilometers per hours habang patungo sa direksyong pa-hilagang kanluran.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang pag-ulan bunsod ng umiiral na southwest monsoon o habagat

Samantala, isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa layong 1,030 kilometer sa extreme Northern Luzon na may lakas at 55kph at pagbugsong aabot sa 75kph.

Bagaman malayo pa sa Philippine Area of Responsibility, inaasahang lalakas pa ito dahil nasa ibabaw siya ng karagatan .

TAGS: karding, Pagasa, PAR, Tropical Depression, karding, Pagasa, PAR, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.