Nagulat ang mga pulis na magsisilbi sana ng subpoena sa hiwalay na kaso nang madiskubre ang naturang arsenal sa bahay ni Brent Nicholson sa highway 9, malapit sa bayan ng Pageland sa South Carolina.
Una nang kinasuhan si Nicholson dahil sa pagbebenta ng heroin at opium.
Nang isisilbi na ang subpoena sa kanyang bahay, dito na nagulat ang mga pulis sa nakaimbak na iba’t-ibang uri ng mga rifle at pistols sa bakuran ng kanyang bahay.
Wala namang indikasyon na ginamit ang mga ito at pawang mga nakatambak lamang.
Bukod sa mga armas, nadiskubre rin sa bahay ni Nicholson ang may 500 chainsaw, mga ulo ng iba’t ibang hayop at ilang 4- wheeler na truck.