Iba’t ibang uri ng ng droga nakuha sa isang bar sa Makati City

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police Drug Enforcement Unit ang isang high-end bar na nasa Makati Avenue, Barangay Poblacion Makati City madaling araw ng Sabado.

Iba’t ibang uri ng mga droga ang nakumpiska sa nasabing pagsalakay kabilang na ang ilang sachet ng cocaine, shabu, ecstasy at mga high grade na pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Dinala sa presinto ang mahigit sa 100 parokyano at nasa 31 mga empleyado ng bar para isailalim sa beripikasyon at pagtatanong.

Ayon sa Makati Police Station, bukod sa mamahaling alak ay talamak din umano ang bentahan at pag-gamit ng iligal na droga sa nasabing bar.

Read more...