Isa sa mga dumukot kay Menorca, dating hepe ng QCPD

By Kathleen Betina Aenlle October 27, 2015 - 04:04 AM

File photo

Isang dating hepe ng Quezon City Police District (QCPD) at pitong iba pang opisyal ang itinuturong may kinalaman umano sa pagdukot sa itiniwalag na ministro ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca.

Ayon kay Menorca, paglabas niya ng kapilya ng Iglesia pagkatapos ng kanilang pag-samba ay tumambad sa kaniya ang tatlong pulis na naka-uniporme at may tsapa ng QCPD na pinadapa siya habang tinututukan ng mga baril.

Aniya, tinakpan ang kaniyang ulo ng jacket, pinosasan at kinaladkad siya ng tatlong pulis Quezon City na may bitbit na mahahabang baril patungo sa isang ambulansya.

Pagkatapos nito ay saka siya inilipat sa isang coaster kung saan naghihintay ang nasabing dating hepe ng QCPD at mga hinihinalang miyembro ng Sanggunian ng INC. Noong siya ay nakadetine sa loob ng INC Church sa Bulan, Sorsogon, ang nasabing dating hepe umano ang nagbibigay ng mga utos sa mga pulis na dumukot sa kaniya.

Ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, malinaw na nakilala ni Menorca ang hindi bababa sa walong pulis na sangkot sa pagdukot sa kaniya, kabilang na ang dating hepe.

Hindi naman pinangalanan ni Menorca ang nasabing mataas na opisyal, pero tiniyak nila ni Angeles na ilalantad rin nila ito sa tamang panahon at lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.