BFAR naglabas ng red tide warning sa ilang mga lugar

Inquirer file photo

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain at paghango ng mga shellfish at alamang mula sa Surigao del Sur, Bohol, Palawan at Eastern Samar.

Sinabi ni BFAR director at Agriculture Undersecretary for Fisheries Eduardo Gongona, hindi ligtas kainig ang mga nakukuhang shellfish at alamang matapos makumpirma ang red tide toxin sa mga nasabing lugar. Kabilang sa mga apektadong lugar ang :

Bagama’t maaring kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na nakukuha sa nasabing mga lugar, kailangan lang anila na sariwa at nahugasan itong mabuti.

Dapat ring alisin ang mga lamang-loob ng mga isda bago iluto ayon sa BFAR.

Read more...