2 menor de edad arestado sa pagnanakaw sa Marikina City

By Mary Rose Cabrales August 10, 2018 - 06:26 PM

Arestado ang dalawang menor de edad dahil sa pagnanakaw sa Marikina City, Huwebes (August 9).

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jacobe, 17 taong gulang at alyas Pogi, 15 taong gulang na nagtangkang basagin ang salamin ng isang kotse para manakaw ang isang high-end cellphone na nagkakahalaga ng P35,000, isang sumbrero at isang flash drive .

Base sa police report, sinabi ni Emil Dapulano, isang carwash boy na nahuli niya ang dalawa sa tangkang pagnanakaw sa mga gamit na nasa loob ng sasakyan na pag-aari ni Bernard Mendoza sa Sta. Teresita Village, Barangay Malanday.Nakatakbo lamang ang dalawa nang sigawan ni Dapulano.

Nagsagawa ng follow-up operation ng mga pulis kung saan naaresto ang dalawang suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na sangkot din ang mga suspek sa iba pang kaso ng pangho-hold-up at motorcycle robbery sa lugar. Pinalampas na lamang ng isa nilang biktima ang insidente dahil menor de edad ang mga suspek.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor de edad na suspek.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.