Afghanistan, India at Pakistan niyanig ng magnitude 7.5 na lindol

By Den Macaranas October 26, 2015 - 08:01 PM

afghanistan
Google map

Labing-walo ang nai-report na namatay sa Magnitude 7.5 na lindol sa yumanig sa East Asia kanilang alas-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

Sa report ng U.S Geological Survey, natagpuan ang epicenter ng lindol sa lalawigan ng Badakshan Afghanistan na may lalim na 213 kilometers malapit sa boundary ng Tajikistan at Pakistan.

Naramdaman din ang pagyanig sa kapitolyo ng Afghanistan sa Kabul ganundin sa mga New Delhi sa India at Islamabad sa Pakistan.

Sinabi ni Pakistani Prime Minister Nawaz Sharif na maraming gusali ang nasira sa Islamabad dahil tumagal ng halos ay isang minuto ang lindol.

Labing-dalawa ang kaagad na namatay sa nasabing lugar ayon pa sa pahayag ni Sharif.

Dahil sa lawak ng pinsala ng lindol, hanggang ngayon ay wala pa ring supply ng kuryente sa halos ay kabuuan ng Afghanistan, India at Pakistan.

Wala namang itinaas na tsunami warning ang mga opisyal habang hinihintay pa nila ang mga ulat sa ibang mga lugar na niyanig ng lindol.

TAGS: Afghanista, earthquake, India, pakistan, USGS, Afghanista, earthquake, India, pakistan, USGS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.