Mocha Uson, hindi kailangang magresign o mag-leave – Sara Duterte
Naniniwala si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi kailangang magbitiw sa pwesto ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Ito ay sa kasagsagan ng mga panawagang resignation ni Uson dahil sa kontrobersyal na “Federalism dance video” nito, tampok ang isa pang pro-Duterte blogger na si Drew Olivar.
Sinabi ni Mayor Inday sa Inquirer.net na “no need” din na mag-leave of absence ni Uson.
Pero, marapat aniyang isaayos ni Uson ang pagbibigay nito ng impormasyon ukol sa Pederalismo.
Ang “Pepedederalismo dance video” nina Mocha at Olivar ay umani ng samu’t saring pagkondena mula sa mga mambabatas at mga ordinaryong Pilipino.
Subalit paliwanag ni Mocha, bago pa siya kausapin ng Consultative Committee o Con-Com at ng Communications group ng Department of Interior and Local Government ay nai-shoot na nila ang video.
Aniya pa, matagal na nilang ginagawa ang online game show at walang inilabas na pera para rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.