Pang. Duterte, itinalaga si CA Justice Jose Reyes Jr. bilang bagong mahistrado ng SC
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Jose Reyes Jr., bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Kinumpirma ito ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Si Reyes ang papalit sa pwesto ng nagretirong Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco.
Siya na ang ika-limang naitalaga sa Korte Suprema ni Presidente Duterte, mula nang maupo sa Palasyo.
Nakatakdang manumpa kay Pangulong Duterte si Reyes sa darating na Lunes (August 13).
Nagtapos ng law si Reyes sa San Beda College, na alma mater din ng pangulo.
Bago maging Associate Justice ng Court of Appeals, nagsilbi si Reyes sa Pasig City Regional Trial Court at Rizal Regional Trial Court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.