Philippine Competition Commission, aprubado na ang Grab-Uber merger; mga kundisyon, inilatag
Aprubado na ng Philippine Competition Commission o PCC ang Grab-Uber merger.
Batay sa pasya ng PCC, pinapayagan na ang Grab-Uber union pero may “set of commitments” o kundisyon upang matiyak ang mas maayos na serbisyo para sa mga pasahero at mas mababang singil sa pasahe.
Kabilang sa mga kundisyon sa Grab ay ang mga sumusunod:
– Service Quality Commitment, na nag-aatas sa Grab na ibalik ang pre-takeover “acceptance and cancellation rates” at maglaan ng oras para sa mga reklamo ng mga pasahero;
– Fare Transparency Commitment, na mag-oobliga sa Grab na rebisahin ang resibo nito upang maipakita ang “fare breakdown ng kada biyahe, distansya, fare surges, discounts, promo reductions at per-minute waiting charge;
– Commitment on Pricing, o hindi maaaring maningil ang Grab ng “extraordinary deviation;”
– Removal of “See Destination” feature, o tatanggalin ang “destination masking” nagpapahintulot sa drayber na makita ang destinasyon ng pasahero bago tanggapin ang trip request;
– at Driver/Operator Non-Exclusivity Commitment o papayagan na ng Grab ang iba nilang tsuper na bumiyahe sa ilalim ng ibang transport network companies o TNCs.
Ang bawat paglabag ay may katapat na P2 million na multa.
Imomonitor ng PCC kung sinusunod ba ng Grab ang mga commitment, sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.