Consumer Care program, inilunsad ng DTI

By Isa Avendaño-Umali August 10, 2018 - 10:50 AM

Photo c/o DTI

Hinimok ng Department of Trade and Industry o DTI ang publiko na i-reklamo at huwag palagpasin ang anumang paglabag o pag-abuso sa mga konsumer.

Sa pangunguna ni Secretary Ramon Lopez, inilunsad ng DTI ang tinatawag na “Consumer Care program.”

Sa ilalim nito, ang publiko ay maaaring tumawag sa consumer hotline na 1-DTI o 1-384 para sa anumang reklamo, at consumer-related issues.

Ayon pa kay Lopez, mayroon na silang mga info desk kung saan maaaring iparating o isumbong ng mga tao ang anumang consumer-related concerns.

Sa pagsisimula ng programa ay nakipagtulungan ang DTI sa anim na supermarkets na magpoposte ng “consumer corner.”

Sinabi ng kalihim na makakatuwang din ng DTI ang iba pang malls para sa pagsusulong ng programa.

Karaniwan sa mga reklamo ng mga mamimili ay “overpricing” o mas mahal sa suggested retail price sa mga produkto.

Payo naman ni Lopez sa mga konsumer, maging matalino at mapanuring mamimili laban sa mga abusadong negosyante.

 

TAGS: Consumer Care program, dti, Consumer Care program, dti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.