Dahil sa walang tigil na pag-ulan, nabasa ang aabot sa limang libong sakong bigas na inangkat ng National Food Authority o NFA.
Ayon kay NFA spokesman Rex Estoperes, karamihan sa mga nabasang bigas ay nagmula sa Subic, National Capital Region at Region 4.
Nilinaw naman ni Estoperes na walang epekto sa suplay ng NFA ang pagkabasa ng sako-sakong bigas.
Kung susumahin aniya, .001 o wala pang isang porsyento sa kabuuang bilang ng bigas ang nabasa dahil sa masamang panahon.
Hindi rin aniya babayaran ng NFA ang mga nabasang bigas dahil sa kargo pa aniya ito ng importer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.