Limang pangalan pasok sa official Presidential candidates list ng Comelec

By Ricky Brozas October 26, 2015 - 07:55 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Mula sa kabuuang 130, lima lamang ang pumasok sa listahan ng Comission on Elections (Comelec) bilang mga opisyal na kandidato sa pagka-pangulo sa 2016.

Pasok sa listahan sina Vice-President Jejomar Binay ng United Nationalists Alliance, Mar Roxas ng Liberal Party, Independent Candidate na si Sen. Grace Poe, Sen. Mirriam Defensor Santiago ng People’s Reform Party at Partido ng Manggagawa at Magsasaka na si Cong. Roy Seneres.

Pinagpapaliwanag naman ng Comelec ang 125 iba pang mga naghain ng Certificate of Candidacy kung bakit sila hindi dapat tawaging mga nuisance o pang-gulo lamang sa halalan.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na kinakailangang may kakayahan ang isang Presidential candidate na makapagsagawa ng isang maayos na nationwide campaign.

Mayroon namang hanggang December 10 ang mga pinadalhan ng sulat para tumugon sa liham ng Comelec.

Sa mga susunod na araw ay ilalabas ng Comelec ang mga opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-Pangalawang Pangulo at mga Senador.

TAGS: bautista, comelec, Presidential candidates, bautista, comelec, Presidential candidates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.