Isang resort sa Mactan, tinangkang kubkubin ng isang armadong grupo

By Isa AvendaƱo-Umali August 10, 2018 - 09:49 AM SHARE(S):

 

Mahigit sa tatlumpung armadong indibidwal ang lumusob sa Mactan Isla Resort and Casino sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City sa Cebu madaling araw ng Biyernes (August 10).

Ayon sa Lapu-Lapu City Police Station, isa ang sugatan sa nangyaring pag-atake.

Pasado 3:30 ng madaling araw, ang nasa tatlumpu’t tatlong armadong lalaki na sakay ng isang puting van ay dumating sa resort at tinangkang kontrolin ang lugar.

Nakasagupa ng grupo ang mga gwardiya ng resort at nagkaroon ng shootout.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang Korean national ang nag-hire sa grupo ng mga lalaki.

Batay pa sa pulisya, may legal dispute sa management ng resort, na maaaring motibo ng tangkang pagkubkob sa lugar.

Nakumpiska mula sa gunmen ang ilang mga armas, habang nasa presinto na ang grupo upang sumailalim sa pagtatanong.

 

TAGS: Mactan Isla Resort and Casino, Mactan Isla Resort and Casino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.