2 babaeng tulak ng droga, huli sa Maynila; P6.5 million ng shabu, nakumpiska

By Ricky Brozas August 10, 2018 - 08:15 AM

 

Tinatayang P6.5 million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa dalawang babaeng tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa New Antipolo St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Girlie Lopez at Leah Carpio, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Guillermo Eleazar, matagumpay na nakabili ng P5,000 na halaga ng shabu mula sa dalawang suspek ang isang operatiba na nagpanggap na buyer.

At nang magkaabutan na ng pera at droga, mabilis na dinamba at pinosasan sina Lopez at Carpio.

Nakumpiska sa operasyon ang labing-siyam na sachet ng droga na tumitimbang ng halos isang kilo, kasama na rito ang buy-bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

 

TAGS: drug buy bust operation, drug buy bust operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.