#WalangTubig: 93,000 customers maapektuhan ng emergency leak repairs sa EDSA ng Manila Water

 

Magsasagawa ang Manila Water ng emergency leak repairs sa southbound service road ng EDSA, kanto ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Kinakailangang magpatupad ng pipelaying at interconnection operation sa nabanggit na lugar bilang paghahanda sa pagsasara at pagsasaayos ng isang major pipeline.

Bunga nito, pansamantalang makakaranas ang may 93,000 kabahayan at establismento ng water interruption sa maapektuhang 43 barangay sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig, at Quezon.

Ang pansamantalang pagkawala ng tubig ay magsisimula alas-7 ng gabi sa Lunes, Agosto 13.

Inaasahan naman na babalik ang suplay ng tubig alas-9 ng umaga kinabukasan.

Narito ang listahan ng mga apektadong lugar:

Sa Mandaluyong:

– Wack-Wack, Mauway, Addition Hills, Highway Hills, Malamig, Buwayang Bato, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Barangka Ibaba, Barangka Drive, Plainview, Pleasant Hills, at Hulo

Sa San Juan:

– Greenhills, Addition Hills, Little Baguio, Pasadena, Corazon de Jesus, at West Crame

Sa Pasig:

– Ugong, Oranbo, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo, at San Antonio

Sa Quezon City:

– Kaunlaran, Bagong Lipunan, Horseshoe, Valencia, Immaculate Conception, San Martin de Porres, Ugong Norte, at Pinagkaisahan

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan.

Kasabay nito, may bahagya ring pagbabago sa daloy ng mga sasakyan dahil sa isasara ang rightmost southbound lane ng EDSA service road.

Ang mga maapektuhang motorista ay maaaring pansamantalang dumaan sa Star Mall, kanan mula sa EDSA patungong Shaw Boulevard.

Habang ang mga motorista namang patungo ng Sta. Mesa na magmumula sa Shaw Boulevard at tatawid ng EDSA ay kailangang dumaan muna sa middle lane, dahil isasara sa mga sasakyan ang rightmost lane habang isinasagawa ang magdamag na pagsasaayos ng mga tubo.

 

Read more...