Bagyong Karding bahagyang lumakas

By Rhommel Balasbas August 10, 2018 - 05:23 AM

Bahagyang lumakas ang Bagyong Karding bagaman inaasahan pa ring hindi tatama sa anumang kalupaan ng bansa.

Batay sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,150 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Lumakas ito at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.

Bumilis din ito sa 20 kilometro kada oras at tinatahak ang direksyong Hilaga-Hilagang-Kanluran.

Patuloy pa ring makakaapekto ang Habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Inaasahan ang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Cagayan Valley habang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila at maging sa Western Visayas.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at kabuuan ng Mindanao ay inaasahan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Dahil sa bugso ng Habagat, nakataas ang gale warning sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Zambales.

Mapanganib ang paglalayag ng mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat.

Ayon sa PAGASA kung magpapatuloy ang kilos ng bagyong Karding, inaasahang lalabas na ito ng bansa mamayang gabi o Sabado ng umaga.

TAGS: #HabagatPH, #KardingPH, #weatheradvisory, PAGASA DOST, #HabagatPH, #KardingPH, #weatheradvisory, PAGASA DOST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.