Pangulong Duterte, palalakasin ang PDP-Laban para sa halalan 2019

Malacañan Photo

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘caucus’ para ayusin ang sinasabing gusot sa loob ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-LABAN.

Naganap ang pulong sa Diamond Hotel sa Maynila.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi hahayaan ng pangulo na magkaroon ng paksyon sa loob ng nasabing partido kung saan siya ang tumatayong Chairman.

Kamakailan ay nagpatawag ng isang national assembly ang isang grupo sa loob ng PDP-Laban kung saan ay nahalal bilang pangulo si Atty. Rogelio Garcia.

Kaagad na sinalungat ni PDP-Laban President Koko Pimentel ang resulta ng nasabing national assembly at sinabing hindi awtorisado ang nasabing hakbang.

Unang pinulong nang magkahiwalay ni Pangulong Duterte ang dalawang paksyon ng PDP-Laban bago tipunin nang iisa.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, sa naturang pulong nangako ang pangulo na palalakasin ang partido para sa 2019 midterm elections.

“It was good because the President mentioned to us his commitment to help the party by campaigning for good candidates,” ani Pimentel.

Naging maganda anya ang bunga ng pangulo na ituon ang atensyon sa mga pangako ng PDP-Laban noong kampanya tulad ng pagsusulong sa federalismo at pagsugpo sa krimen at korapsyon.

Samantala, isa pa anyang pulong ang nakatakdang ganapin sa susunod na buwan para resolbahin ang mga isyu at pagkakaiba sa partido.

Read more...