Oplan greyhound ikinasa sa Valenzuela City Jail

By Jong Manlapaz August 09, 2018 - 11:26 PM

Surpresang isinailalim sa Oplan Linis Piitan ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang Valenzuela City Jail.

Sabay-sabay na pumasok ang PDEA CAMANAVA, PDEA K9 unit, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – National Capital Region (NCR) team at Valenzula PNP sa lugar.

Dito isa-isang pinalabas ang mga preso ng lugar para isailalim sa inspection ang piitan.

Wala namang nakuhang pinagbabawal na kontrabando sa loob ng piitan, pero kinumpiska ng mga otoridad ang mga pang ahit, gunting, at iba pang mga tool, maging ng mga sigarilyo.

Karamihan sa nakuha ay mga ballpen at gamit sa Alternative Learning System (ALS) ng mga nakapiit sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.