Mga low performing schools at hospitals papatawan ng mas mataas na buwis sa ilalim ng TRAIN 2

By Erwin Aguilon August 10, 2018 - 12:01 AM

Binalaan ni House Committee on Ways and Means Chairperson Dakila Carlo Cua ang mga underperforming at mga low quality schools and hospitals na papatawan ng mas mataas na buwis sa ilalim ng Tax Reform for Attracting Better and High quality Opportunities o TRABAHO.

Ayon kay Cua, mula sa kasalukuyang 10% maaring gawing 15% hanggang 20% ng pamahalaan ang buwis ng mga ito kapag naging batas ang TRABAHO.

Layunin aniya nito na magbigay disiplina dahil kung ang isang eskwelahan naman ay may maayos na performance ay mapapanatili nito ang pagtamasa sa 10% tax rate pero kung bulok naman at nagdurusa ang mga mag-aaral marapat lamang na taasan ang buwis ng mga ito.

Sa ilalim ng House Bill 7982 o ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act, ang mga proprietary educational institutions at hospital ay kailangang magbayad ng 10% buwis pero dapat nakakasunkd ito sa mga criteria na itatakda ng Commission on Higher Education (CHEd), Department of Education (DepEd), at Department of Health (DOH).

Nakasaad sa panukala na ang mga educational institition at ospital na bigong makamit ang performance criteria ay dapat magbayad ng 10% mula sa kanilang taxable income sa loob ng dalawang taon oras na maging batas ang panukala, 15% sa sususnod na tatlong taon, at 20% sa mga kasunod na taon.

Sa kasalukuyan, lahat ng mga eskwelahan maliban sa mga pinapatakbo ng foundations at religious organization ay nagbabayad ng zero tax pero ang mga proprietary o for profit school ay nagbabayad ng 10% buwis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.