NBA stores sa Pilipinas, magsasara na ngayong buwan

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 12:39 AM SHARE(S):

Hanggang sa katapusan na lamang ng buwan ng Agosto maaaring bisitahin at bumili ang mga basketball fans sa NBA stores dito sa bansa.

Sa anunsyo ng NBA Philippines ay sinabi na hanggang August 12 na lamang bukas ang kanilang tindahan sa SM Megamall. Habang sa August 15 naman nakatakdang magsara ang NBA Store sa Ayala Cebu.

Para naman sa NBA Store Trinoma at e-commerce site na NBAStore.com.ph, magsasara na ang mga ito sa August 30.

Paliwanag ng pamunuan, ang pagsasara ng kanilang mga tindahan sa bansa ay dahil sa pagtatapos ng kanilang agreement sa retail operator.

Maaari pa rin namang makabili ang mga basketball fans ng NBA merchandise sa mga piling Nike, Titan, at Toby’s Sports Stores sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.