NCRPO: Mga pulis na umihi sa puno sa Malacañang mananagot

By Len Montaño August 09, 2018 - 08:12 PM

Photo: PCOO

Iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ulat na ilang pulis na kasama sa sinermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umihi sa puno ng balete na nasa compound ng Malakanyang.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, tatanungin nila ang mga pulis na iprinisinta sa pangulo para malaman kung sino sa mga ito ang umihi sa puno.

Mula sa Metro Manila ang 87 sa 102 na mga pulis na iniharap kay Pangulong Duterte kamakalawa.

Nakatikim ang mga pulis ng mura at sermon sa pangulo dahil sa pagkakasangkot nila sa iba’t ibang krimen kabilang ang kidnapping at illegal drugs trade.

Aminado si Eleazar na mayroon talagang mga bugok sa kanilang hanay pero hindi umano nila ito kinukunsinte.

Matatandaan na binalaan ng Pangulo ang mga pulis na papatayin niya ang mga ito dahil sa pagkasangkot nila sa krimen.

Huwag daw magreklamo ang pamilya ng mga pulis ng due process at kung sa paglabag ng mga ito sa batas ay sila ay mapatay.

TAGS: eleazar, Malacañang, NCRPO, PNP, eleazar, Malacañang, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.