NutriAsia at PLDT nagpaliwanag sa ilang labor issues

Photo: Anakbayan

Parehong naghugas-kamay ang PLDT at NutriAsia sa magkahiwalay na labor dispute na kanilang kinahaharap.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor, pareho ang naging katwiran ng dalawang kumpaniya sa estado ng kanilang mga kawani.

Ipinagdiinan ng PLDT at NutriAsia na may mga bahagi ng kanilang operasyon ang kanilang ina-outsource o kumokontrata sila ng mga ahensiya na gagawa nito para sa kanila.

Ipinaliwanag ng NutriAsia na hindi nila mga empleyado ang mga nagsagawa ng rally sa kanilang planta sa Bulacan kundi mga tauhan ng BMIRK Inc.

Ang nasabing kumpanya ang kanilang partner sa packaging ng kanilang mga produkto.

Sa panig naman ng PLDT, iginiit na ang mga nag-aaklas nilang mga empleado ay sa kanilang outsource call center na SPI.

Matapos magpaliwanag ang dalawang kumpaniya, sinabi ni Sen. Joel Villanueva na malinaw na may butas ang batas sa paggawa at ito ay napapaikutan ng mga kumpaniya.

Read more...