Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang lalawigan ng Batanes hapon ng huwebes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol sa karagatan malapit sa Itbayat, Batanes 4:01 ng hapon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 23 kilometro.
Dahil dito, walang inaasahang pinsala at aftershocks dulot ng lindol.
Wala namang naitalang nasaktan ang mga otoridad kaugnay sa nasabing pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.