Makaraan ang mahabang panahon ng paghihintay ay sasabak na ang Pilipinas sa FIBA Under-19 World Cup.
Ito ay makaraang ilampaso ng Batang Gilas ang Bahrain sa iskor na 67-52 sa kanilang paghaharap na ginanap sa Stadium 29 sa Thailand.
Pinangunahan ng 7’2″ na si kai Sotto at AJ Edu ang kampanya ng bansa sa nasabing liga.
Dahil sa tatlong sunod na panalo ay otomatikong aakyat ang Batang Gilas sa quarterfinals ng 2018 FIBA Asia Under-18 Championship.
Sa kabuuan ay kumamada si Sotto ng 21 points, 10 rebounds at 3 assists maliban pa sa pagdomina sa board sa pamamagitan ng tatlong blocks.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang nila kung alin sa Australia o Japan ang kanilang susunod na makakasagupa.
Ang Pilipinas ay huling nakarating sa quarterfinals ng FIBA Under-19 World Cup noong 1979.