Robredo at Marcos ng nagbayad ng kanilang multa sa PET

By Alvin Barcelona August 09, 2018 - 05:10 PM

Binayaran na ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang P50,000 penalty na ipinataw ng Presidential Electoral Tribunal (PET) dahil sa paglabag umano nito at ng kampo ng talunang vice presidential candidate na si Bong Bong Marcos sa subjudice rule.

May kaugnayan ang multa sa paglalahad umano ng magkabilang kampo sa publiko ng mga detalye sa election protest.

Ayon kay sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, nagbayad sila ng multa kahit aniya hindi binanggit ng PET kung alin sa kanilang pahayag ang lumabag sa subjudice rule.

Paliwanag ni Macalintal, ang mga pahayag na binitawan nila sa media ay bilang sagot lamang sa mga malisyoso at walang basehan na pahayag sa publiko ni Marcos.

Matatandaan noong April 2, 2018 o noong umpisahan ang revision of ballots, nagpa-interview sa media ang tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez habang pumasok naman sa revision area sina Ilocos Norte Gov. Imee marcos at sinabi sa media na may basang mga balota at nawawalang audit log.

Iginiit ni Macalintal na kailangan nilang magpaliwanag para ipagtanggol ang kanilang kampo at pabulaanan ang mga malisyosong pahayag ni Marcos.

Kaninang umaga ay nauna na ring nagbayad si dating Sen. Marcos ng P50,000na multa sa PET.

Nanindigan rin ang kampo ni Marcos na tuloy ang kanilang laban para mailabas ang tunay na resulta ng eleksyon sa vice presidential election noong 2016.

TAGS: Marcos, pet, Robredo, subjudice rule, Supreme Court, Marcos, pet, Robredo, subjudice rule, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.