Isla ng Lombok sa Indonesia muling nilindol

By Den Macaranas August 09, 2018 - 03:08 PM

AP

Muli na namang nilindol ang isla ng Lombok sa Indonesia kaninang umaga at naitala ito sa magnitude 6.2.

Ito ay ilang araw makaraang yanigin ang nasabing tourist island ng isang magnitude 6.9 na lindol na nagresulta sa kamatayan ng 131 katao.

Sa ulat ng mga otoridad sa nasabing bansa, umabot na sa 347 ang death toll sa dalawang magkasunodna lindol.

Tuluyan na ring gumuho ang ilang mga gusali at bahay na nauna nang sinira ng pagyanig noong araw ng Linggo.

Dahil sa panibagong lindol ay nagbalikan sa mga lansangan ang ilang mga residente sa lugar sa takot nab aka masundan pa ito ng isa pang pagyanig.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa mga opisyal ng embahada sa Jakarta para alamin kung may mga nadamay na Pinoy sa panibagong lindol.

TAGS: DFA, earthquake, indonesia, lombok, DFA, earthquake, indonesia, lombok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.