Boracay closure bilang isa sa rason ng 6% GDP growth: “So be it” – Roque

By Isa Avendaño-Umali August 09, 2018 - 12:53 PM

 

FILE

Inamin ng Malakanyang na nalungkot sila sa naitalang 6% GDP growth sa ikalawang quarter ng 2018.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nalungkot ang Palasyo dahil bigo ang pamahalaan na makamit ang target na GDP growth na 7 hanggang 8%.

Nauna nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na ang pagbagal sa GDP growth ay maaaring dahil sa ilang polisiya na isinusulong ng administrasyong Duterte gaya ng pansamantalang pagsasara ng isla ng Boracay, na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Pero ayon kay Roque, ang temporary closure ng Boracay ay “justified” o naipaliwanag na sa lahat.

Para sa opisyal, hindi dapat tingnan ang nangyari sa Boracay mula sa “economic, financial point of view.”

Gayunman, kung talagang bumaba ang GDP dahil sa intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang kalikasan, ani Roque “then so be it.”

Anim na buwang nakasara ang isla ng Boracay para sa rehabilitasyon, batay sa utos ng punong ehekutibo.

Giit ni Roque, hindi naman nakakabahala ang 6% GDP growth dahil kung tutuusin ay mataas pa rin ito.

Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na gagawin ng gobyernong Duterte ang lahat ng makakaya nito upang makabawi at makamtam ang target growth.

 

TAGS: 6% GDP growth, Boracay Closure, Presidential spokesman Harry Roque, 6% GDP growth, Boracay Closure, Presidential spokesman Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.