Economic growth ng Pilipinas, bumagal; GDP sa 2nd quarter, nasa 6%
Nasa anim na porsyento lamang ang gross domestic product o GDP growth ng bansa sa ikalawang quarter ng 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Inanunsyo ito, kasunod ng naitalang 5.7% inflation rate noong Hulyo.
Batay sa PSA, ang 6.0% na GDP growth ay maituturing na mabagal kumpara sa 6.6% na nairekord noong unang quarter at 6.7% na naitala naman noong ikalawang quarter ng 2017.
Sinabi ng PSA na ang figure ay mababa kumpara sa target ng gobyerno na 7 hanggang 8% growth.
Paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang pagbagal sa GDP growth ay maaaring dahil sa ilang polisiya na isinusulong ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang pansamantalang pagsasara ng isla ng Boracay, na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Dagdag ni Pernia, kung hindi tumaas ang inflation ay posibleng umabot sa 7 hanggang 8% ang GDP growth ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.