TINGNAN: Mga ballpen, yosi at pang-ahit, nakumpiska sa Oplan Greyhound sa Valenzuela City Jail
Mga ballpen, mga kaha ng sigarilyo at lighters, mga pang-ahit ang ilan lamang sa mga nakumpiskang kontrabando sa isinagawang Oplan Greyhound sa Valenzuela City Jail umaga ng Huwebes (August 9).
Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police o PNP.
Negatibo naman sa ilegal na droga ang Oplan Greyhound sa bilangguan sa Valenzuela, makaraan ang inspeksyon ng mga otoridad.
Ang Oplan Greyhound ay bahagi ng Oplan Linis Piitan at ginagawa upang matiyak na walang ilegal na droga at mga kontrabando na nakakapuslit sa mga kulungan.
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan, nais din nilang masiguro ang kaayusan sa loob ng mga piitan.
Tiniyak naman ng opisyal na tuluy-tuloy ang inspeksyon ng mga otoridad sa iba’t ibang piitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.