Tututulan ng minorya sa Kamara ang isinusulong na TRAIN 2 at Rice Tariffication Bill na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, babanggain nila ang mga nabanggit na panukalang dahil naniniwala umano ang minorya na mali ang nasabing hakbang.
Paliwanag ni Suarez, mali na magpataw ng buwis sa gitna ng mahinang lagay ng ekonomiya sa bansa.
Kahit aniya sinabi na ng pamahalaan na revenue nuetral ang TRAIN 2 ay sigurado aniya na mayroon pa rin itong indirect effect sa publiko.
Naniniwala naman si Suarez na ang mga magsasaka na kasapi ng ASEAN ang makikinabang at hindi mga lokal na magsasaka kapag naisabatas ang Rice Tariffication Bill.
Ang dapat, ayon sa pinuno ng minorya, ay bigyan ng gobyerno ng sapat na subsidiya ang mga magsasaka upang kumita ng tama ang mga ito.