Narco-cop, patay sa drug buy-bust operation sa Infanta, Quezon

By Isa Avendaño-Umali August 09, 2018 - 08:47 AM

 

Patay ang isang sinasabing “narco-cop” sa buy-bust operation sa Infanta, Quezon, Huwebes ng umaga (August 9).

Sa inisyal na impormasyon, ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine National Police o PNP Counter Intelligence Task Force o CITF sa Barangay Pilaway, Infanta dakong 7:45 ng umaga.

Kinilala ang pulis na si PO2 Ian Rey Abitona, na kasama ang pangalan sa drug watch-list.

Batay kay CITF head Senior Supt. Romeo Caramat Jr., nakipagpalitan ng putok ng baril si Abitona sa mga pulis.

Sa imbestigasyon aniya ng pulisya, si Abitona ay aktibong pulis pero protektor at dealer ng ilegal na droga sa Infanta, Quezon.

Sinabi ni Caramat na nauna nang na-relieve si Abitona bilang intel and drug enforcement unit operative at nailipat bilang desk officer.

Ngunit nagpatuloy umano ang pagkakasangkot ni Abitona sa illegal drug trade.

 

TAGS: drug watch-list, Narco-cop, PNP, drug watch-list, Narco-cop, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.