Mga ahensya ng gobyerno na hindi kikilala sa Philippine ID, pagmumultahin – PSA
Nagbabala ang Philipine Statistics Authority o PSA na may katapat na parusa ang mga ahensya ng gobyerno na hindi kikilalanin ang Philippine ID.
Sa ilalim ng Philippine ID System Act, pagmumultahin ng P500,000 ang sinumang hindi kikilala sa Philippine ID.
Ang mga gagamit naman ng Philippine ID sa anumang uri ng anuomalya ay may parusa rin ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakabilanggo at may multang P50,000 hanggang sa P500,000.
Ayon kay PSA administrator Lisa Grace Bersales, ang mga magpapalabas naman ng data o impormasyon nang walang otorisasyon ng may-ari ng ID ay makukulong ng anim hanggang sampung taon at multa ng P3 million hanggang P5 million.
May parusa ring pagkakakulong ng sampu hanggang labing limang taon at multang P5 million hanggang P10 million para sa sinumang opisyal at empleyado ng PSA na mangangasiwa sa Philippine ID na malisyosong magpapalabas ng impormasyon at data ng isang indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.