Pag-aalis ng taripa sa importasyon ng isda at karne hindi isinusulong si SGMA

Sa gitna ng paghahanap ng paraan upang matugunan ang pahirap na dulot ng mataas na inflation rate sa publiko, nilinaw ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi niya isinusulong ang pag-aalis ng taripa sa importasyon ng karne.

Ayon kay GMA, hindi niya pinapaboran ang ang zero tariff sa mga aangkating karne.

Paliwanag nito, base sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), maraming ibang dahilan ng pagtaas ng inflation.

Ang paglilinaw ay ginawa ni GMA matapos magtanong sa kanyang tanggapan ang chairman ng grupong Sinag na si Rosendo So.

Una rito, sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na iminungkahi ni SGMA sa mga economic managers ang zero tariff sa meat at fish imporatation.

Gayunman, nagbigay ng paglilinaw si Salceda at sinabing hindi isasama sa binabalangkas na executive order para sa produktong aalisan ng taripa upang mapababa ang inflation.

Read more...