Pangamba ni Senador Lacson na babalik ang pork barrel pinawi ng mayorya sa Kamara
Tiniyak ng liderato ng Kamara na hindi mangyayari ang pangamba ni Senador Panfilo Lacson na babalik ang pork barrel system sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, sumusunod ang Kamara sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang iligal ang pork barrel.
Paliwanag ni Andaya, mas lalo’t higit dito ang may kaugnayan sa lump sum funds at ang pagkakaroon ng papel ng mga kongresista sa budgetary authorization.
Iginiit pa nito na pareho lamang ang proseso na ginagawa ng Kamara sa Senado na may kaugnayan sa budget ng mga mambabatas.
Tinawag namang speculative at hula lamang ni Deputy Speaker Fred Castro ang pangamba ni Lacson na pagbalik ng pork barrel.
Sinabi ni Castro na wala itong basehan at factual basis.
Iginiit nito na si Lacson na mismo ang nagsabi na nagpasya na ang korte kaya kahit sino ang maupong house speaker ay kailangan itong sundin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.