Senadora Grace Poe nabahala sa ‘enemy of the state’ tag sa media

By Jan Escosio August 09, 2018 - 02:52 AM

Nagpahayag ng labis na pagkabahala si Senadora Grace Poe sa impormasyon na may presentasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan tila naipalabas na kaaway ng gobyerno ang media.

Matapos ang pagdinig ukol sa media killings ng Senate Committee on Public Informaton na pinamumunuan ni Poe, ibinahagi ng senadora na dapat linawin ng AFP ang posisyon na ikinukunsiderang enemy of the state ang media.

Giit nito dapat pa nga ay tumulong ang AFP sa pagbibigay proteksyon sa mga mamamahayag.

Pinuri naman ng senadora si Undersecretary Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security sa pagpupursige nito na mabigyan hustisya ang mga pinatay na mamamahayag.

Hirit lang nito kay Egco na gawing miyembro ng kanyang task force ang isang lehitimong mamamahayag sa pagtupad sa kanilang mandato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.