Senador Villanueva pinakakalma sa mga economic managers ang mataas na inflation rate
Hiniling ni Senador Joel Villanueva sa mga government economic managers na gawaan ng paraan ang patuloy na pagtaas ng inflation rate.
Sa pagdinig sa 2019 national budget, binanggit ni Villanueva ang ikapitong buwan na pagtaas ng inflation rate na naitala sa 5.7%.
Hirit ng senador na dapat gawin prayoridad ng mga economic managers ang pagkontrol sa pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.
Tinanong din ni Villanueva ang economic team ng gobyerno kung kailan matatapos ang paghihirap ng masa dahil sa mataas na inflation rate.
Giit nito dapat agad ilatag ang mga comprehensive policy direction ng lahat ng mga concerned government agencies at maging ng kongreso para masulosyunan ang patuloy na pagtaas ng inflation rate ng dulot ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Train (TRAIN) Law at excise tax sa mga produktong-petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.