$1.5B lease contract ng Nayong Pilipino Foundation pinasisisyasat na ni Pangulong Duterte
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na pag-aaralan ang USD1.5 bilyon na lease contract ng Nayong Pilipino Foundation sa theme park ng Landing International Development na nakabase sa Hong Kong.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinukwestyon ng pangulo ang kawalan ng bidding sa kontrata dahil hindi naman ito proyekto ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) o ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Nagpapasalamat aniya ang Palasyo sa whistle blower sa Nayong Pilipino dahil sa pagsisiwalat sa maanomalyang kontrata.
“At sa tingin po ng Presidente, ang tawag po niya sa kontratang iyan ay “flawed”. Sabi po niya at mayroon pong impormasyon na dapat kasi daw po iyan ay dumaan sa isang public bidding, dahil hindi naman po ito isang TIEZA project, hindi ito isang PEZA project,” paliwanag ni Roque.
Samantala, sinabi ng kalihim na dahil lahat ng board of directors at management ng Nayong Pilipino ay sinibak ng pangulo, ibig sabihin ay kasama dito si Maria Fema Duterte na isang board member ng Nayong Pilipino at malayong kamag-anak ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.