Bagong chopper ng PNP, pinabagsak ang isang LED screen sa Camp Crame

By Rhommel Balasbas August 09, 2018 - 03:44 AM

Aksidenteng bumagsak ang isang LED screen sa Philippine National Police headquarters dahil sa pagpapalipad ng isang bagong biling helicopter.

Bahagi ng selebrasyon ng 117th National Police Service anniversary ang presentasyon sa bagong Bell 428 na binili lamang noong Marso.

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon at nasaksihan ang masyadong mababang lipad ng helicopter malapit sa stage.

Bunsod ng hanging dala ng blades ng chopper, bumagsak ang isang LED screen kung saan kumaripas ng takbo ang ilang guests dahil sa takot.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente ngunit tinatayang nasa P3 milyon ang gagastusin para isaayos ang nasirang LED panels.

Samantala, sinabi ng PNP na bibili pa ito ng apat na chopper mula sa Airbus Industrie ng France matapos ang halos isang dekada na wala itong flying assets.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.