Dagdag na trabaho bago bumaba sa puwesto tiniyak ni PNoy
Umaasa si Pangulong Noynoy Aquino na mas lalo pang dadami ang matutulungang mga Pinoy ng Public Employment Service Offices (PESO).
Kasunod ito ng pagpirma nito sa amyenda sa PESO Act of 1999 sa ginanap na 15th National PESO Congress sa PICC sa pasay City kanina.
Ayon kay Pangulo Aquino, dahil sa amyendang pinirmahan niya hindi na maituturing na walang pondo ang mahigit na isang libong PESO units sa buong bansa dahil ito ay popondohan na ng mga Local Government Units.
Umaasa si Aquino na mas marami ang mabibigyan ng trabaho dahil bukod sa pagpapalakas sa PESO ay itinatadhana rin sa amyenda ang paglulunsad ng information campaign patungkol sa mga available na trabaho sa labor market.
Kaugnay nito, pinasalamatan ng Pangulo ang mga stake holders na nagtulong-tulong para maayendahan ang lumang PESO Act kabilang na ang Senado, Kamara de Representantes, ang League of Municipalities, Provinces at Cities at ang mga lokal na opisyal na siyang magpopondo sa mga PESO units mula sa kani-kanilang mga Internal Revenue Allotment o IRA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.