Sa 11pm advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,255 kilometro Silangan ng Basco.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang tropical storm sa bilis na 10 kilometro sa direksyong Silangan-Hilagang-Silangan.
Hindi pa rin ito inaasahang tatama sa anumang bahagi ng kalupaan ng bansa.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 850 kilometro Kanluran ng Northern Luzon.
Inaasahang palalakasin ng Bagyong Karding at ng LPA ang Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa western section ng Northern at Central Luzon.
Ibinabala ng weather bureau ang panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang mga lugar.
Nananatili namang mapanganib ang paglalayag sa western seaboards ng Luzon.