Pork barrel malabong maibalik sa Kamara ayon sa grupo ng minorya

By Erwin Aguilon August 08, 2018 - 04:38 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ni House Minority Leader Danilo Suarez na hindi babalik ang pork barrel sa ilalim ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon Suarez, nakasaad sa naging pasya ng Supreme Court na iligal ang pork barrel kaya kanila itong susundin.

Sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na line item budgeting na lang ang meron ngayon.

Wala na anya ang post enactment intervention dahil sa kanya-kanyang ahensya na napupunta ang implementasyon ng mga proyekto.

Sinabi ng mga ito na ang papel na lamang ngayon ng mga kongresista ay oversight power para matiyak na naipatutupad ang mga programa at proyekto at ang alokasyon ng pondo ay nagagamit ng tama sa pinaglaanan nito.

Pahayag ito ng minorya sa Kamara kasunod ng pangamba ni Senator Panfilo Lacson na bumalik ang pork barrel sa pamumuno ni Arroyo.

TAGS: Arroyo, lacson, pork barrel, Supreme Court, Arroyo, lacson, pork barrel, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.