P5.1 billion na pondo para sa Food Security Program, pinambayad-utang ng NFA – COA report

By Isa Avendaño-Umali August 08, 2018 - 12:33 PM


Kinuwestyon ng Commission on Audit o COA ang pag-divert ng National Food Authority o NFA sa mahigit sa limang bilyong pisong pondo na laan sa isang programa ng gobyerno, upang makabayad sa mga utang.

Batay sa 2017 COA annual audit report, ang P5.1 billion ay ginamit ng NFA bilang pambayad sa maturing loans, gayung ang naturang pondo ay para sana sa implementasyon ng Food Security Program.

Dahil dito, sinabi ng COA na naapektuhan ang mga programa at target accomplishments ng NFA para sa taong 2017.

Bigo umano ang NFA na mapatatag ang presyuhan at suplay ng bigas at mais at makamit ang target na procurement at buffer stock.

Dagdag ng COA, dahil napambayad-utang ang Food Security funds, ang NFA ay nakapagmintena ng buffer stock na sapat lamang sa pitong araw, sa halip na labing limang araw na target.

Ang masaklap pa, ang stock noong “lean months” ay naging sapat lamang para sa limang araw, sa halip na tatlumpung araw o isang buwan.

Pero tugon ng NFA sa findings ng COA, kinailangan ng kanilang ahensya na bayaran na ang maturing loans upang mabawasan ang “depleting credit lines” nila.

Ayon pa sa NFA, nahirapan sila bumili ng palay sa mga magsasaka sa support price ng gobyerno na P17.00 lamang kada kilo, gayung ang ibang negosyante ay nag-aalok ng P18.40 hanggang P20.29, mula noong January 2017 hanggang May 2017.

 

TAGS: commission on audit, National Food Authority, commission on audit, National Food Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.