TINGNAN: Mahigit sa 10 flights kanselado ngayong araw, Aug. 8
Kanselado ang ilang domestic at international flights sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ngayong araw ng Miyerkules (August 8).
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, ang kanselasyon ng flights ay bunsod na nararanasang sama ng panahon sa bansa.
Apektado ng kanselasyon ang mga pasahero ng flight PR 432 Manila-Tokyo at PR 424 Manila-Tokyo sa Terminal 2.
Sa Terminal 3 naman, kinansela rin ang flights 5J 468 na biyaheng Iloilo-Manila at 5J 480 na biyaheng Bacolod-Manila.
Sa Terminal 4, kanselado ang flights M8 715/716 na biyaheng Manila-Busuanga-Manila, Z2 424/425 na biyaheng Manila-Puerto Prinsesa-Manila, Z2 324/325 na biyaheng Manila-Tacloban-Manila at Z2 783 na Manila-Cebu.
Dahil dito, inabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.