Mahigit 100 pulis na ipinatawag ni Pang. Duterte, hindi ipapatapon sa Basilan
Hindi gaya ng ibang mga pasaway na pulis, pinauwi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may isandaang pulis na ipinatawag kagabi sa Malakanyang.
Pasado alas-diyes na kagabi nang pakawalan ni Duterte ang mga police scalawag.
Sa harap ng mga pulis, nagbanta ang presidente na papatayin niya ang mga ito na kapag hindi tumino.
Dagdag ni Duterte, sorry na lamang kapag nagtagpo ang kanilang landas dahil tiyak na hihiritan niya ang mga ito.
Pawang nahaharap sa kasong kidnapping, rape, absence without official leave, robberry extortion at iba pang adminitrative cases ang mga pulis na iniharap sa pangulo kagabi.
Karamihan sa mga pasaway na pulis ay galing sa NCRPO, habang ang iba ay galing ng Regions 3 at 4A.
Una rito, alas-sais ng gabi nang hinarap ni Duterte ang mga pulis, na nakatikim ng malulutong na mura.
Matapos ang sampung minutong pagsesermon, umakyat muna ang pangulo para sa AFP and PNP joint command at pagkatapos ay binalikan niya ang mga pulis pasado alas-diyes na ng gabi para sa part 2 ng panenermon.
Matatandaan na noong Pebrero 2017, mahigit dalawang daang pasaway na pulis ang ipinatawag ni Duterte sa Malakanyang at matapos pagalitan ay ipinatapon sila sa Basilan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.