SUV, nahulog sa tulay sa Mauban, Quezon; 3 sugatan
Sugatan ang tatlong katao makaraang mahulog sa tulay ang sinasakyan nilang puting SUV sa Quezon Province.
Batay sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Mauban, naganap ang aksidente sa boundary bridge ng Barangay Balay Balay at Barangay Liwayway sa Mauban, Quezon sa pagitan ng 1:05 hanggang 2:20 ng madaling araw ng Miyerkules (August 8).
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, “human error” ang dahilan ang aksidente.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa pangunguna ng MDRRMO Mauban at Mauban Police Station.
Ang isa sa mga sugatan ay nagtamo ng pinsala sa balikat at dibdib, habang may minor injury lamang ang dalawa pa sa mga pasahero ng sasakyan.
Paalala naman ng MDRRMO Mauban sa lahat lalo na sa mga motorista, maging maingat at handa sa lahat ng oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.